Philippine Olympian Association assembly
Siyam na atleta ang pormal na ipakikilala sa Philippine Olympian Association kung saan ang POA ay magdaraos ng kanilang general assembly sa Huwebes, Jan. 29 sa Manila Golf Club sa Makati.
Ang mga incoming POA members ay kinabibilangan nina Beijing Olympians Mark Javier ng archery, Marestella Torres (athletics), Henry Dag-mil (athletics), Rexel Ryan Fabriga (swimming/diving), Eric Ang (shooting), Joan Christel Simms (swimming) Daniel Coakley (swimming), Ryan Paolo Arabejo (swim-ming at Hidelyn Diaz (weight-lifting).
Ayon kina POA chair Rafael ‘Paing’ Hechanova (1952 bas-ketball Olympian) at president Arturo ‘ Art’ Macapagal (1972 at 1976 shooting Olympian), na ang iba pang assembly activities ay ang botohan para sa board of directors para sa susunod na apat na taon at ang pagkilala sa outstanding athlete at institution sa pama-magitan ng POA Arete Award.
Inimbitahan si Business executive at sports patron Wilfred Uytengzu Jr., president/CEO ng Alaska Milk Corp, na maging guest of honor at inspirational speaker sa nasa-bing assembly na sisimulan sa alas-3 ng hapon.
- Latest
- Trending