Semis asam ng Bacchus at Hapee

Hangad ng Bacchus Energy Drink at ng Hapee Toothpaste na kumpletuhin ang cast ng semifi-nals ngayon sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa quarterfinal round ngayon ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Guadalupe Viejo Sports Complex sa Makati.

May twice-to-beat advantage ang Energy Warriors at Complete Protectors kontra sa kani-kanilang mga kalaban bilang insentibo ng No. 3 at No. 4 teams sa two round eliminations kaya isang panalo lamang ang kanilang kailangan para makapasok sa semis habang kailangan silang talunin ng mga kalaban ng dalawang beses para masibak.

Sasagupain ng Bacchus ang Burger King sa alas-2:00 ng hapon habang makakalaban naman ng Hapee ang Pharex sa alas-4:00.

Ang mananalo sa dalawang larong ito ay uusad sa semifinals kung saan naghihintay na ang six-peat seaking Harbour Centre at Magnolia Pure-water na nakakuha ng outright semis slots bilang biyaya ng top-two teams sa eliminations.

Nakuha ng Batang Pier ang No. 1 spot bunga ng kanilang pinakamataas na 9-3 record habang ang Magnolia ay nagtapos na may 7-5 record para sa No. 2 spot. (MBalbuena)

Show comments