6-man RP boxing team nasa Guam

HAGATNA, Guam -- Dumating sa majestic Micronesia island na ito ang RP Smart Philippine team na tinaguriang kinabukasan ng Philippine boxing upang lumahok sa Goodwill Amateur Boxing Tournament sa Guam Sports Complex dito.

Binubuo nina rising ring prospects Rolando Tacuyan, Jimboy Vicera, Mark John Rey Melligen, Adonis Cabalquinto, Aston Francis Palicte at nagiisang babaeng entry na si Nesthy Petecio ang six-man squad na igigiya nina Nolito ‘Boy’ Velasco at three-time Olympian Romeo Brin.

Ang biyaheng ito ng anim na Pinoy na makakalaban ang mga batang lahok mula sa Guam sa isang friendly tournament na inaasahang magbebenepisyo ang sports program ng dalawang bansa, ay suportado ng PLDT, Smart, Pacific Heights at PSC.

Ito ang unang international exposures ng national team sa ilalim ng bagong liderato ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na pinamumunuan ng presidente na si Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan.

Show comments