Muling iginiit ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang kanyang panawagan para sa mas responsableng paggastos ng limitadong government resources sa sports at sinabi niyang kailangang parehong pasanin ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng iba’t-ibang National Sports Associations (NSAs) ang hirap at responsibilidad sa paggastos ng perang ibinibigay sa kanila.
Sinabi rin ni Escudero na dapat pangunahan ng PSC ang pakikipag-usap sa NSAs leaders upang linawin ang kanilang guidelines sa liquidation ng cash advances, na siyang sinisising dahilan ni Escudero ng alitan ng PSC at iba’t ibang sports stakeholders.
“It’s the PSC which should diffuse the tension between it and the NSA leaders,” ani Escudero. “There is very little time left before our athletes embark on yet another important tournament in the Southeast Asian Games in Laos, yet we are still stuck in this mess and the athletes are left to fend for themselves.”
Ipinaalala ni Escudero sa PSC at NSAs na ang sports ang nagbubuklod sa sambayanan sa likod ng iba’t ibang religion, paniniwala sa pulitika at antas sa buhay kaya hindi dapat nag-aaway ang mga sports leaders.
“Sports na lang ang natitira sa mga pinaniniwalaan ng ating mga kababayan, huwag na natin haluan ng pulitika at kung anu-ano pang negative issues ang sports. Iisa lang naman ang pangarap nating lahat, ang magkaron ng maraming kampeon na Pilipino, pagtulung-tulungan na lang natin ito,” ani Escudero.
Ang away ng PSC at NSAs tungkol sa pondo ay nagsimula, isang taon na ang nakakaraan at hinahabol pa rin ng PSC ang mga NSAs na hindi pa naliliquidate ang mga nakuhang government cash assistance.
Pinaalalahanan din ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang mga NSAs na maari silang magkakaso sa Office of the Ombudsman na nais magreport ang mga sports associations ng mga pondong natanggap nila mula sa PSC.