2009 FIM Motocross Masters of Asia sa Puerto Princesa
Muling magiging punong-abala ang Puerto Princesa City sa mas pinalaki at tensiyonadong engkuwentro para sa supremidad sa 2009 FIM Motocross Masters of Asia - Puerto Princesa International Motocross Grand Prix na nakatakda sa Marso 1 sa Sta. Monica International Racetrack sa Puerto Princesa City. Ang nabanggit na event ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng Foundation ng Puerto Princesa City sa March 4, 2009.
Ito ay makaraang pirmahan ni Puerto Princesa Mayor Edward S. Hagedorn ang kontrata kasama si FIM Asian Motocross Commission president Macky Carapiet para sa paghohost ng lungsod ng pinakamalaking motorsports spectacle na suportado ng Lungsod ng Puerto Princesa at Oakley.
Inilalatag na ng Chief Executive ng naturang lungsod kasama sina City Administrator Agustin Rocamora ng City Sports Department ang mga plano para maging matagumpay ang event at kasiya-siya sa mga bisitang dayuhang delegasyon.
Nakatakdang idepensa ni Mongolian ace rider Khaliun-bold Erdenbileg ang kanyang korona kontra sa mga kampeong riders mula sa 10 bansa sa event na may nakataya sa 2009 Mayor Edward S. Hagedorn Cup ang isang sterling silver trophy.
Ilan sa mga dayuhang riders na dapat bantayan ay sina Iranian Mojtaba Karimzadeh, Amirreza Sabetifar, Indonesian trio Iwan Hermawan, Dede Mulyadi at Alex Wiguna at Thailander Trakarn Thanthong, at ang dating si Japanese Factory rider champion Kaga ay darating sa bansa pra magbigay ng smx school at freestyle tricks !
Para sa ilang detalye tungkol sa Motocross Masters of Asia at Camel International Supercross Series, bisitahin ang www.namssa.org o mag- email sa [email protected] o tumawag sa 0917-8479785.
- Latest
- Trending