^

PSN Palaro

Malungkot ang Barangay Ginebra fans

SPORTS - Dina Marie Villena -

Malungkot ang Barangay Ginebra fans dahil natalo ang kanilang paboritong koponan at nabigong makausad sa semis ng kasalukuyang PBA Philippine Cup.

Ang sister team nilang San Miguel Beer ang nagpatalsik sa kanila noong Linggo sa kanilang do-or-die game.

Ang semifinals match-up? Sta. Lucia kontra sa Alaska at San Miguel vs Talk N Text naman.

Sino naman kaya ang papalaring maghaharap sa semis?

Hmmmm?

Ang Sta. Lucia Realty ang defending champion sa kumpe-rensiyang ito kaya tiyak na itotodo ng Realtors ang lahat ng kanilang makakaya para lamang maidepensa ang kanilang korona laban sa Aces.

Puwedeng Sta. Lucia vs San Miguel o vs Talk N Text at pwede ring Alaska vs San Miguel o vs Talk N Text.

Pero alin kaya sa mga pares na ito ang mas exciting ang laban?

* * *

Walang masyadong mga local sports events akong nababalitaan maliban sa puro basketball na lang.

Ano na kaya ang nagyayari sa mga kapaligiran ng ibang sports?

Tahimik na tahimik.

At siyempre maliban sa boxing kung saan katatapos lamang gumawa ng kasaysayan ni Manny Pacquiao, ay wala ng ibang balita lalo na sa amateur sports.

Hala!

Malapit na uli ang Southeast Asian Games, ano kaya ang preparasyong ginagawa ng ating mga atleta?

Paramdam naman kayo!

* * *

Naging maintriga naman ang pagpapalit pangalan ng Air21 sa Burger King.

Kasi daw kaduda-duda ang pagmamay-ari dito ng Express kung saan mas marami pala ang magkakasosyo.

Biro mo, kasosyo din pala dito sina Manny V. Pangilinan at Mikee Romero?

Buti naman ipinaliwanag ni Lito Alvarez na 60% ang share ng Air21 dito habang mas maliit lamang ang kina MVP at Romero.

Kaya pumayag na rin ata ang PBA Board.

At sa pagpapalit-pangalan nila, inaasahang isang bagong koponan na igigiya ng bagong coach na si Yeng Guiao sa pagpasok ng susunod na kumperensiya.

* * *

Ilang beses na ring pinabubulaanan ang pag-alis ng Red Bull sa PBA pero tila hindi mamatay-matay ang balitang ito.

Naniniwala ako kay George Chua, may-ari ng Red Bull na hindi sila magdidisband.

Kaya maniwala naman kayo.

* * *

Dalawang personalidad sa sports ang lumikha ng ingay sa 2008 at ito ay sina pro boxer Manny Pacquiao at bowler Paeng Nepomuceno.

Ang dalawa ay pawang mga Hall of Famer na sa Philippine Sportswriters Association.

Kaya tila nahihirapan ang grupo ng PSA na mamili sa ‘Athlete of the Year’ awardee para sa taong 2008.

Sino nga ba ang karapat-dapat sa parangal na ito na iginagawad ng mga sportswriters?

vuukle comment

ANG STA

ATHLETE OF THE YEAR

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

KAYA

RED BULL

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with