PSA Forum sa Shakey's

Babanderahan ng mga opisyales ng Liga Pilipinas na pinamumunuan ng kanilang pangulo at CEO na si Noli Eala at RP team developmental coach Rajko Toroman ang listahan ng mga panauhin sa kauna-unahang PSA Forum para sa 2009 ngayon sa Shakey’s U.N. Avenue branch.

Tatalakayin ni Eala ang pagbubukas ng Liga Pilipinas Conference II sa susunod na linggo habang ilalahad naman ni Toroman ang kanyang mga plano para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas deve-lopmental pool.

Dadalo din sa sesyon na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym at Aspen Spa at Med-Central Medical Clinic and Diagnostic Center ang organizers ng Philippine Stock Exchange Bull Run sa pamu-muno nina PSE senior specialist Jay Peñaflor, Gay Maddela, event organizer, at race director Pablo Cay.

Show comments