Matapos idispatsa si Kenyan Sande Otieno via sixth round TKO para sa international featherweight title noong Linggo, maaari nang puntiryahin ni Filipino Bernabe “The Real Deal” Concepcion sina world featherweight champions Oscar Larios ng Mexico at American Steve Luevano.
Ayon sa 20-anyos na si Concepcion, hindi niya pakakawalan ang oportunidad na makasagupa sa isang cham-pionship fight sinuman kina Larios at Luevano.
“Kung sino man ‘yung ilaban sa akin talagang paghahandaan ko ng mabuti,” sambit ni Concepcion, nagdadala ngayon ng 28-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KOs, ang huli rito ay ang sixth-round stoppage sa 33-anyos na si Otieno (16-2, 7 KOs) noong Linggo sa Araneta Coliseum.
Sa pag-angkin ni Concepcion sa World Boxing Council (WBC) International feather-weight crown, maaari na niyang puntiryahin ang suot na WBC belt ni Larios at ang hawak na World Boxing Orga-nization (WBO) crown ni Luevano.
Ibinabandera ni Larios, tinalo na ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao via unanimous decision sa kanilang non-title featherweight fight noong Hulyo 2 ng 2006 sa Big Dome, ang 63-6-1 (39 KOs) card, habang may 36-1-0 (15 KOs) slate naman si Luevano.
Nasikwat ng 32-anyos na si Larios ang WBC feather-weight belt nang talunin si Japanese Takahiro Aoh via split decision noong Oktubre sa Tokyo.
Maliban kina Larios at Luevano, tinitingnan rin ng kampo ni Concepcion ng Virac, Catanduanes si dating WBO super bantamweight titlist Daniel Ponce De Leon (35-2-0, 31 KOs) na nagpabagsak kay Rey “Boom Boom” Bau-tista sa first round noong Agosto ng 2007 sa Sacramento, California.
Ang naturang korona ni Ponce De Leon ay inagaw naman ni Puerto Rican Juan Manuel Lopez via first round KO. (Russell Cadayona)