^

PSN Palaro

Balik-aksiyon sa UCLAA

-

Magbabalik aksiyon ang 1st Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) basketball matches ngayon sa San Andres gym sa Manila habang bukas naman ang volleyball competition sa NCBA Fairview gym matapos ang apat na linggong bakasyon.

Tatangkain ng league-leading Philippine College of Criminology na palawigin ang kanilang pananalasa sa anim na panalo sa kanilang pakikipagtipan sa De Ocampo Memorial College sa alas-9:30 ng umagang second game. Asam naman ng Metro Manila College ang 4-2 slate laban sa Colegio de Sta. Monica (2-3) sa pang-alas 8 ng umagang opener.

Ang St. Francis, na magtatangkang bumangon mula sa back-to-back na kabiguan na pumigil sa kanilang four-game winning run ay makakalaban naman ang PLMun sa alas-11 ng umaga.

Maghaharap naman ang wala pang panalong junior squad ng University of the Philippines-Los Baños (0-2) at Las Piñas (0-3) sa pang-alas-12:30 ng tanghaling bakbakan na hatid ng Mang Inasal, Air21, Besuto prawn crackers, Villa De Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basketbolista Magazine at www.gameface.ph.

Sa volleyball competition, magtatagpo naman ang wo-men’s team ng Las Piñas at St. Jude bandang alas-8 ng umaga, magtitipan naman ang PLMun at SFAC sa alas-9 ng umaga at UPLB at PCCr sa alas- 10 ng umaga.

Magsasagupa naman ang UPLB at PCCr sa alas-11 ng umaga sa men’s division at National College of Business and Arts vs PLMun sa alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

ALAS

ANG ST. FRANCIS

BASKETBOLISTA MAGAZINE

DE OCAMPO MEMORIAL COLLEGE

LAS PI

MANG INASAL

METRO MANILA COLLEGE

NAMAN

NATIONAL COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS

PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with