'Di totoong magdidisband ang Red Bull-Chua
Pinanindigan nina Red Bull owner George Chua sa isang pagpupulong sa league board representative na sina Tony Chua at team manager Andy Jaonoong Biyernes, na mananatili sila sa PBA at pinabulaanan ang balitang pagdidisband ng kanilang koponan.
Sinabi ni Chua na inaayos at nagre-rebuilding lang sila matapos na mawala ang kampeonatong koponan, kabilang na si coach Yeng Guiao, na kasama na ng organization planning ng Burger King na papalit sa Air21 sa susunod na kumperensiya - ang Fiesta Conference.
Samantala, naghahanap ng pampalakas na coaching staff ang CocaCola makaraang papirmahin nila si Bo Perasol para tumulong kay Kenneth Duremdes. Nawalan ng puwesto si Perasol sa Burger King nang kunin si Guiao.
Sinabi naman ni Tony Chua na malamang na itaas nila si assistant coach Gee Abanilla na head coach.
“We had a meeting, and Boss George maintained we’re staying. The fact is there was never a plan to leave,” ani Tony Chua.
“Yes, we’re having financial difficulty at the moment. But who’s not? It’s a global problem,” dagdag pa ng Red Bull governor.
Sinabi ng dating PBA board chairman na muli silang magpupulong ngayong linggo upang planuhin pa ang ilang gagawing aksiyon.
“The first order is to name the coach. We’re not able to finish our meeting Friday since Boss George was to attend another matter,” wika ni Tony Chua.
Umalis si Guiao sa pagiging coach ng Red Bull matapos na itrade ang lahat ng kanyang pinagkakatiwalaang players sa ibang team.
Ang team na dating kampeon ay sumama ang performance makaraang mawala sa kanilang poder sina Willie Miller, Kerby Raymundo, Rico Villanueva, Lordy Tugade, Larry Fonacier, Junthy Valenzuela, Topex Robinson, Rich Alvarez, Mick Pennisi, Celino Cruz at Cyrus Baguio.
At dahil sa pagbaba ng kanilang lineup, ang Bulls ang kauna-unahang koponan ang napatalsik sa kasalukuyang PBA tourney na nagwagi lamang ng 5 laro sa 18 laban sa double-round eliminations.
Bago ito, laging angat ang Red Bull dahil sa sila ang may pinakamahabang tumatapos na nasa top four.
- Latest
- Trending