^

PSN Palaro

Nepomuceno, pinarangalan ng World Bowling Writers

-

LONDON, England--Inihayag ng World Bowling Writers, ang international organization ng tenpin bowling journalists, PR officials at federation officers, na ang bowling legend na si Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno ng Philippines ang tatanggap ng kanilang prestihiyosong 2009 World Bowling Writers Most Luby Jr. Distinguished Service Award.

Ang nasabing Distinguished Service Award ay ipriprisinta kay Nepomuceno sa pagsabak nito sa World’s Tenpin Masters sa Barmsley, England sa Abril 17-19 laban sa top 15 bowling athletes mula sa buong mundo. Huling napanalunan ni Paeng ang event na ito noong 1999.

Sa katunayan malayo na ang narating ng bowling career ni Paeng at nananatili siyang matikas sa mga international tournaments sa buong mundo, at ngayon ay inilalaan niya ang kanyang talento sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa nasabing sports, kabilang ang coaching conferences, exhibitions at maging ang pagiging ambassador sa United States Bowling Congress. 

Ang training ni Paeng ay bahagi ng USBC’s upang makalilikha ng international coach training program at palakasin ang federations sa bowling’s world governing body, ang Federation Internationale des Quilleurs (FIQ). Ito ay bahagi lamang ng hangarin ng USBC’s na mapasama ang bowling sa Olympics.

At sa congratulatory message kay Paeng ni World Tenpin Bowling Association (WTBA) President, Kevin Dornberger sinabi nito na: “I offer my sincerest congratulations to Paeng Nepomuceno on being recognized for this prestigious award. Not only has he proven over the years to be a top notch competitor, but he is also a world class coach. I personally thank him for his contributions to bowling.”

BOWLING

DISTINGUISHED SERVICE AWARD

FEDERATION INTERNATIONALE

KEVIN DORNBERGER

NEPOMUCENO

PAENG

PAENG NEPOMUCENO

TENPIN MASTERS

UNITED STATES BOWLING CONGRESS

WORLD BOWLING WRITERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with