^

PSN Palaro

Amonsot, aakyat muli sa ring

-

Matapos manatili ng apat na araw sa isang ospital sa Las Vegas, Nevada para obserbahan ang kanyang blood clot sa utak, sinong makakapagsabing makakabalik pa sa ibabaw ng lona si Filipino lightweight Czar Amonsot.

Makaraan ang kanyang pagkatalo kay Australian Michael Katsidis noong Hulyo 21 ng 2007 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, muling aakyat sa boxing ring si Amonsot para labanan si Indonesian Zoel Fidal sa Enero 31 sa Tagbilaran City.

 “We never thought that he will ever come back after that incident that almost cost his life and his boxing career,” sabi kahapon ni Michael Aldeguer ng ALA Boxing Promotions kay Amonsot.

 Matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Katsidis, sumailalim si Amonsot sa MRI (Magnetic Resonance Imaging) sa Las Vegas bago ulitin sa Cebu Doctors’ University Hospital noong Setyembre 24.

 Inaprubahan ni neuro surgeon Dr. Almario G. Jabson ng Asian Hospital and Medical Center ang pagbabalik sa boxing scene ng 23-anyos na tubong Bohol noong Oktubre 20. 

“His main thrust is to fight again,” ani Aldeguer kay Amonsot, tinalo ni Katsidis para sa World Boxing Organization (WBO) interim lightweight title. “He kept himself in shape and he is already a disciplined boxer.”

 Tangan ni Amonsot ang 18-3-1 win-loss-draw ring record kasama ang 10 KOs, habang taglay naman ng 21-anyos na si Fidal ang 16-6-2 (7 KOs).

 Pinabagsak ni Katsidis, nakatakdang labanan si Angel Hugo Ramirez ng Argentina sa Enero 31 sa Cebu City, si Amonsot sa rounds 2 at 10, habang naputukan naman ang Australian sa kanyang kaliwang mata. (Russell Cadayona)

AMONSOT

ANGEL HUGO RAMIREZ

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

AUSTRALIAN MICHAEL KATSIDIS

BOXING PROMOTIONS

CEBU CITY

CEBU DOCTORS

KATSIDIS

LAS VEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with