^

PSN Palaro

Peñalosa dapat munang harapin si Morel

-

Hindi dapat nagpadalus-dalos si Filipino world bantamweight champion Gerry Peñalosa kaugnay sa kanyang tangkang pag-alis sa kampo ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.

Ito ang payo ni Filipino international promoter Sammy Gelloani sa panayam kahapon ni Dennis Principe sa kanyang ‘Sports Chat’ radio program sa DZSR hinggil sa kinakaharap na problema ngayon ng 36-anyos na si Peñalosa. 

Inireklamo ni Peñalosa, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist, ang kawalan ng suporta sa kanya ng Golden Boy. 

“There were a lot of offers for Gerry by the Golden Boy pero hindi naman niya tinanggap,” wika ni Gelloani sa tubong San Carlos City, Cebu na nakatakdang itaya ang kanyang titulo laban kay Puerto Rican challenger Erik Morel. “Dapat harapin muna ni Gerry ‘yung mandatory title defense niya kay Morel before anything else.” 

Ayon kay Peñalosa, hiningan siya ng Golden Boy ng $250,000 para makuha ang kanyang release papers. 

“There are a lot of things that can happen, kaya dapat pag-isipan muna niya lahat bago siya magdesisyon,” wika ni Gelloani kay Peñalosa, umiskor ng isang seventh-round TKO kay Jhonny Gonzales noong Agosto ng 2007 para agawin ang suot na WBO belt ng Mexican.

Matagumpay na naidepensa ni Peñalosa ang nasabing korona laban kay Thai challenger Ratanchai Sor Vorapin mula sa isang eight-round TKO noong Abril 6 sa Araneta Coliseum. 

Sakaling makaalis sa Golden Boy, inaasahang lilipat si Peñalosa sa Top Rank Promotions ni Bob Arum na siyang humahawak sa career ng kanyang kumpareng si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.  (Russell Cadayona)

ALOSA

ARANETA COLISEUM

BOB ARUM

DENNIS PRINCIPE

ERIK MOREL

GELLOANI

GERRY

GERRY PE

GOLDEN BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with