^

PSN Palaro

Singing Cagers!

SPORTS - Dina Marie Villena -

Naaliw ako sa panonood sa ilang basketball players sa ‘Singing Bee’ noong Linggo.

Eh bakit ba hindi?

Yung mga contestants ay kilala kong hidi naman talaga mga kumakanta.

Sinu-sino?

Sina Jerry Codiñera, Ronnie Magsanoc, Rey Evangelista Johnny Abarrientos, Renato Agustin, Alvin Teng at Bobby Jose.

Actually tatluhan ang labanan, kung saan kasama ni Jerry ang kanyang asawang si Jean at anak na si Qitin, gayundin si Johnny at si Ronnie naman ay kasama si Rey at anak na si Alyssa, si Alvin, asawang si Susan at anak na si Jeron at Ato na kasama si Bobby at isang kaibigan.

Unang natanggal si Alvin sa first round, pero pagdating ng second round at nagtabla-tabla ang nalalabing grupo hanggang tanghaling winner si Johnny.

Nagpamalas ng galing si Johnny sa pagsasayaw kung saan hinamon si Jhong Hilario ng Streetboys, ang defen-ding champion sa singing contest.

Magaling pa ring magsayaw si Johnny dahil hindi ito nagpahuli kay Jhong.

Yun nga lang talo pa rin sina Johnny pero nag-uwi ng P80,000 premyo.

Totoo ka , hindi kailangang magaling at marunong kang kumanta ang importante ay alam mo ang lyrics.

Kasi kahit papaano ay may nasagot naman ang mga players kahit na parang caterpillar ang kanilang pagkanta.

He he he!

Bilib ako kay Ronnie na kilala kong mahiyain pagdating sa mga ganito.

Pero game na game siya.

Actually game na game ang lahat ng players na kilalang kilabot ng playing court.

At parang hindi tumatanda sina Ronnie, Jerry, Alvin, Bobby, Ato at Johnny A.

Walang ipinagbago sa kanila maging sa kanilang pangangatawan. 

Fit na fit pa rin sila at kung titingnan, puwedeng-pwede pang maglaro at makipagsabayan.

Sige nga i-dare natin sina Jerry, Ato, Ronnie, Alvin, Bobby at Rey.

* * *

Nagkausap kami ni Jean, ang magandang maybahay ni Jerry tungkol dito over the phone yesterday at sinabi niyang hiyang-hiya nga daw sila dahil hindi naman talaga sila mga singer.

“But we enjoy and had a lot of fun,” ani Jean na tawa nang tawa habang nagkukuwento.

* * *

Marami ang masaya dahil pumasok ang San Miguel Beer sa quarterfinals. Yun nga lang ang makakatapat nila sa best-of-three series ay ang Barangay Ginebra.

Good-luck na lang!

ALVIN

ALVIN TENG

ATO

BARANGAY GINEBRA

BOBBY JOSE

JHONG HILARIO

JOHNNY

JOHNNY A

RENATO AGUSTIN

RONNIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with