^

PSN Palaro

Tagaytay-RP 4th place lang

-

AL AIN, United Arab Emirates — Ibinigay lahat ng Tagaytay-Philippines ang kanilang pinakamagandang laro laban sa Qi Yuan Club (China) ng mauwi sa draw ang tatlo mula sa apat na laban sa inaasahang pigian ng utak sa pagitan ng dalawang Asian superpowers.

Subalit hindi ito naging sapat.

Yumukod si GM Mark Paragua kay Zhou Weigi sa kanilang board three encounter kung saan bumagsak ang Filipinos sa 1.5-2.5 decision laban sa Chinese sa seventh at final round ng inaugural Asian Club chess team championship sa Al Ain Sports Center dito noong Huwebes.

Ang kabiguan ang siyang tumapos sa pag-asa ng Filipinos na maitala ang upset na panalo at nalaglag sila sa solong ikaapat na puwesto sa pagtatapos ng mahigpitang 30-team tournament na ito na inorganisa ng Asian Chess Federation (ACF).

Pinigilan naman nina GMs Wesley So, John Paul Gomez at Darwin Laylo ang kanikanilang kalaban kontra sa higherrated Chinese na kalaban upang madala sa draw ang kanikanilang laban kontra kina GM Wang Hao, GM Zhou Jianchao at GM Wen Yang, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang dako, tinapos naman ni Paragua ang kanilang kampanya sa kabiguan sa mga kamay ni Zhou.

At sa overall, tumapos ang Tagaytay-RP ng kanilang kampanya sa bisa ng limang panalo at dalawang talo para sa 10 puntos, dalawang puntos na agwat mula sa host at top seed Al Ain (United Arab Emirates.).

Ibinulsa rin ng Filipinos ang kabuuang $5,000 premyo.

Nakuntento naman ang Al Ain (UAE) sa 2-2 draw kung sana tumapos ang Victory Chess Club (Vietnam) sa two-way para sa first place sa Qi Yuan Club (China) ng kapwa makalikom ng tig- 12 puntos.

Subalit ang Al Ain na binanderahan nina GMs Sergey Kariakin at Zahar Efimenko, ay nakaungos sa Qi Yuan dahil sa highest tiebreak score na 168.5 puntos.

AL AIN

AL AIN SPORTS CENTER

ASIAN CHESS FEDERATION

ASIAN CLUB

DARWIN LAYLO

JOHN PAUL GOMEZ

MARK PARAGUA

QI YUAN

QI YUAN CLUB

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with