^

PSN Palaro

20 batang cagers mapapasabak sa 2008 Jr. NBA Training Camp

-

Cebu City — Umabot sa 20 aspiring batang cagers na may edad 12 hanggang 14 ang nagpakita ng kanilang superior athletic ability, stamina at tikas sa basketball upang bumandera sa Regional Selection Camp ng 2008 Jr. NBA Philippines na iprinisinta ng Hi-Smart sa Sacred Heart School Gym dito.

Sila ay dadalo sa Jr. NBA National Training Camp na nakatakda sa Pebrero 27 hanggang Marso 1, 2009 sa Manila.

Aabot sa mahigit 40 kaba-taan ang lalahok sa national training camp at ang nalalabing 20 spots ang siyang pipiliin para sa Jr. NBA Regional Selection Camp na nakatakda naman sa January 24-25 sa JRU Gym sa Mandaluyong sa Metro Manila.

Ang mga kabataan mula sa Cebu na bibiyaheng pa-Maynila para sa Jr. NBA National Training Camp ay kinabibilangan nina Ray Daniel Abbu, Iszak Kiefer Lim, Arc Gabriel Araw-Araw, Mark Jayven Tallo, Jomari Jericho Dinsay, Justin Jay Dela Cruz, Raul Dominic Antigua, Bradley Bacaltos, Jose Mario Pono, Lucky Suan, Patrick Nigel Go, Venezer Ian Bensig, Jomarie Gairanod, Nemenio Niko, Mhike Spencer Patalinghug, Noel Villaceran, Kristoffer Porter, Adrian Marvin Muller, Wablymar Del Rosario at Tecson Gacrama.

Ang 20 grade school at high school kids mula sa Cebu at kalapit na probinsiya ang nanguna sa dalawang araw na camp na sumubok sa kani-kanilang agility, leaping ability, speed, strength at all-around basketball playing skills. Isa sa outstanding cager, ay si Mhike Patalinghug na isa sa dala-wang napili mula sa public school at siyang pinakamaliit.

vuukle comment

ADRIAN MARVIN MULLER

ARC GABRIEL ARAW-ARAW

BRADLEY BACALTOS

CEBU

CEBU CITY

ISZAK KIEFER LIM

JOMARI JERICHO DINSAY

JOMARIE GAIRANOD

NATIONAL TRAINING CAMP

REGIONAL SELECTION CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with