Norwood, Mercado nangunguna sa listahan ng Rookie of the Year award

Sina Gabe Norwood at Sol Mercado ang nangunguna ngayong contender para sa Rookie of the Year award matapos nilang pagtulungang ihatid sa quarterfinal round ng KFC-PBA Philippine Cup ang dating laging nasa ilalim na Rain Or Shine.

Sa pagdating ng dalawa, naging mainit ang kampanya ng Rain Or Shine na tumapos ng 10-8 record sa pagtatapos ng classification round katabla ang Sta. Lucia at Ginebra na nagbigay sa kanila ng awtomatikong quarterfinal slot para makaiwas sa wild card phase.

Base sa statistics sa pagtatapos ng classification round, nangunguna ang top draft pick na si Norwood sa kanyang 27.4 average statistical points na sinundan ni Mercado na may 24.2 average SPs.

Ang dating George Mason University stalwart ay may average na 11.0 puntos, 7.7 rebounds, 3.5 assists, 1.4 steals at 0.5 blocks sa kanyang 18 games na nilaro sa classification round.

Ito ay katumbas ng 394 statistical points at dinagdagan ng 100 won games points para sa kanyang total statistical points na 494.

Si Mercado na nakuha ng Elasto Painters sa off season trade sa Alaska kapalit ni Joe Devance, ay may 24.2 average SPs.

Top scorer ng mga rookies si Mercado na may 13.1 average points at meron din itong 3.4 rebounds per game, 4.6 assists, 1.1 steal at 0.2 blocks sa kanyang 18 games.

Mayroon itong katumbas na 333 statistical points dagdag ang 100 won game points para sa kabuuang 436 statistical points.

Ikatlong contender si Jared Dillinger ng Talk N Text kasunod si Bonbon Custodio ng San Miguel at nasa ikalima ang isa pang Tropang Texter na si Jason Castro.

Ang Fil-German na si Dillinger ay may 23.7 average SPs kasunod ang 23.59 ni Custodio at si Castro ay may 23.56.

Si Dillinger ay may naipong 303 statistical points dagdag ang kan-yang 100 won game points para sa 403 total SPs sa 17-games.

Lumikom naman si Custodio ng 303 SPs dagdag ang 90 won game pts. para sa 401 SPs sa 17 games habang si Castro ay may 314 Sps dagdag ang 110 won game points para sa 424 Sps sa 18 games. (Mae)

Show comments