Matindi ang pagsisikap ng Rain or Shine
Kung anuman ang tagumpay na nararanasan ngayon ng mga Elasto Painters, ito ay mula na rin sa kanilang pagpupunyagi at determinasyong manalo sa bawat laro.
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang dalawang taon sa Philippine Basketball Association (PBA), nakasikwat ang Rain or Shine ng isang outright quarterfinals ticket sa 2008-2009 Philippine Cup.
“What we’ve achieved is a by product of team effort. Everybody was determined to win and that makes the difference,” ani coach Caloy Garcia sa pagangat ng Asian Coatings franchise.
Bukod sa 14.6 points per game average ni 6-foot-7 center Jay-R Reyes, naging malaking tulong rin sa ratsada ng Elasto Painters ang 13.1 ni Fil-Puerto Rican Sol Mercado at 11.6 ni Fil-American Gabe Norwood.
Kundi lamang nabigo sa quarter-finalist ring Barangay Ginebra, 63-58, noong Disyembre 25, abot kamay na ng Rain or Shine ang isang playoff para sa ikalawang outright semifinals berth.
Tiinapos ng No. 3 Gin Kings, No. 4 Elasto Painters at No. 5 Sta. Lucia Realtors, ang nagdedepensang kampeon, ang elimination round sa magkakapareho nilang 10-8 kartada para upuan ang tatlong outright quarterfinals seat.
Ang mananaig sa best-of-three quarterfinals series ng Rain or Shine at Sta. Lucia ang siyang haharap sa No. 1 Alaska sa best-of-seven semifinals wars.
“Hopefully, it would not stop there. There are more games to be won so we just have to stay focused,” sabi ni Garcia, tumayong interim mentor matapos magbitiw si head coach Leo Austria. (RCadayona)
- Latest
- Trending