Intensiyong maghost ng SEABA tourney inilatag ng SBP

Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang kanilang intensiyon na maghost ng ilang Southeast Asian Baskebtall Association tournament kabilang na ang qualifiers sa malakas na FIBA-Asia sa susunod na taon.

Sinabi ni SBP executive director Noli Eala na inaasinta nila ang paghohost ng 9th SEABA Champions Cup at 8th SEABA Men’s Championship na pansamantalang nakatakda sa March 3-7 at April 2-6, ayon sa pagkakasunod.

Ang dalawang torneo ay magsisilbing pintuan sa import-laced FIBA-Asia Champions Cup sa May at FIBA-Asia Championship sa Agosto kung saan ang pinakamahuhusay mula sa rehiyon ang mga kasali.

“We are studying our participation many tournaments next year including these two qualifiers,” wika ni Eala. “We also have a desire to host these two SEABA qualifying tournaments.”

Ayon pa kay Eala, magpupulong ang SBP stakeholders na pinamumunuan ni Smart at PLDT chairman Manny V. Pangilinan at mga managers at sponsors sa susunod na buwan upang talakayin ang isyu.

“By Jan. 21, I will be calling a meeting to discuss these matter with all basketball stakeholders, sponsors, managers and supporters,” wika ng dating PBA commissioner.

Ang 25-player developmental pool sa ilalim ni project director Serbian coach Rajko Toroman ay partikular na inaasam ang FIBA-Asia Champions Cup bilang isa sa torneong lalahukan nila bukod sa Stankovic Cup sa October at 2009 Laos Southeast Asian Games.

Sinabi rin ni Eala na ito rin ang team na magsisimulang magtraining sa Enero 7 bago magtuloy sa Serbia sa Marso at Amerika pagkalipas ng isang buwan matapos ang ilan pang training bago sumabak sa aksiyon.

Inihayag din ni Eala ang plano ng SBP na lumahok kung hindi makakapagbid na maghost sa 7th SEABA Women’s Championship sa June 1-5, 1st SEABA Under-16 Women’s Championship sa Sept. 26-30 at ang 1st SEABA Under-16 Men’s Championship sa July 25-29.

Ang SEABA women’s tilt ay magsisilbing qualifier sa FIBA-Asia Women’s Championship ay magkabuwan na gaganapin habang ang U16 Women’s meet sa FIBA-Asia U16 Women’s Championship ay sa October.

Nakataya naman ang isang puwesto sa FIBA-Asia Junior Men’s Championship sa Nobyembre.

“These are the SEABA qualifying tournaments for various FIBA-Asia Championships in 2009 and we’re now starting to prepare for all of these,” ani Eala.

Ang team, na kamakailan lamang ay nanguna sa invitatonal tournament sa China, ay binuo ng SBP noong nakaraang buwan na may ultimate goal na maglaro sa 2012 London Olympics.

Show comments