^

PSN Palaro

Sana ngayong Pasko

GAME NA! - Bill Velasco -

Pasko na. Makakahinga na tayo ng malalim matapos ang pagmamadali sa pamimili, pagsuong sa trapik, at pag-iisip kung sino pa ang dapat bigyan ng regalo para di magtampo. Nabura na sana lahat ng hidwaang personal na naging hadlang sa mapayapa nating pamumuhay.

Sana ngayong Pasko, magamot na ang lahat ng problema sa sports, para mabuhos na ang lahat ng lakas sa pagtulong sa mga atleta, at paggawa ng programang magbubunga ng gintong medalya sa susunod na Olympics

Sana ngayong Pasko, matigil na ang pamumulitika na siyang numero unong panggulo sa buhay natin sa sports. Sana maresolba na ang mga problema sa mga liderato ng sari-saring National Sports Associations, para makausad na tayo sa wakas, at para mawala na ang lahat ng tanong sa pagiging lehitimo ng nakaraang Philippine Olympic Committee elections.

Sana ngayong Pasko, marapatin ng pamahalaan na ibigay na ang pondong nakasaad sa batas para sa Philippine Sports Commision. Ang kakulangang ito ang ugat ng paghihirap sa paghahanda para sa mga international competition. Kasabay nito, sana magtrabaho na ang mga konggresistang nasa sports para lumaki ang badyet nito, para naman dumami ang atletang maging inspirasyon ng mga naghihirap nating kababayan.

Sana ngayong Pasko, pag-isipan na ng mga may hawak kay Manny Pacquiao kung ano ang iiwanan niyang pamana sa bayang Pilipinas pag nag-retiro na siya sa boksing, liban sa paglusob sa pulitika. Pagmunimunihan sana nila ang magiging pangmatagalan niyang kontribusyon sa bayan, di lamang dahil sikat at mayaman na siya ngayon, kundi dahil kaya niyang tumulong.

Sana ngayong Pasko, hindi na maalon ang situwasyon natin sa basketbol, nang sa gayon ay mapayapa nang magsikap ang mga manlalaro natin para makapasok muli ang Pilipinas sa Olympics. Malayo pa ang tatakbuhin, at sa ngayon, sigurado naman mas importante ang mga nais nating marating kaysa sa mababaw na pamumulitika’t batuhan ng akusasyopn.

Sana ngayong Pasko, magkaisa na ang mga nag-away sa cycling, archery, chess, bodybuilding, billiards at iba pa, at matigil na ang suwapangan sa kapangyarihan na matagal na nating sakit sa Philippine sports. Sana rin, tumahimik na ang mga kritiko ng Philippine Sports Commission na naghahanap lang ng masisiraan, o kaya’y gusto ring magpapansin. Tama na, hindi naman kayo nakakatulong.

At higit sa lahat, sana ngayong Pasko, alalahanin natin ang diwa ng pagkakaisa, ng samahan, at pagpapatawad. Alalahanin natin ang simula ng buhay ng isang payak na anak ng karpintero na lumigtas sa ating lahat.

Maligayang Pasko!

MALIGAYANG PASKO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NGAYONG

PARA

PASKO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISION

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with