Tagaytay City kampeon

DAPITAN City, Zamboanga del Norte --Tinanghal na kampeon ang Tagaytay City sa katatapos na 2008 Handuraw Festival-National Chess Team Championship sa BJ’s Studio Loft, Gloria de Dapitan.

Binanderahan ni GM Darwin Laylo, nakipagdraw ang Tagaytay City sa Surigao del Sur, 2-2 sa sixth round at tinalo ang Davao del Norte, 3-1, ang Tagaytay City upang makopo ang titulo at top prize na P100,000 sa kabuuang P331,000 inilaan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Dapitan City government sa pama-magitan ni Mayor  Dominador Jalosjos, Jr.

Sa kabuuan ang top-seed Tagaytay City ay nagtapos na may 12 puntos base sa 2-1-0 match point style scoring system.

Si Laylo, isa sa dalawang GM na kalahok sa torneo, ay nakipagdraw sa kapwa niya GM na si John Paul Gomez sa ikaanim na round at Cedric Magno sa 7th at final round upang banderahan ang pana-nalasa ng Tagaytay.

Nagsosyo ang Cebu City at Surigao del Sur  sa second. Nag-uwi ang dalawa ng P60,000 bawat isa.

Nasolo naman ng Stolich-Anya ang fourth place at premyong P30,000

Show comments