^

PSN Palaro

Ika-2 titulo para sa Cebu batters

-

Naging epektibo si Joseph Orillana hindi lamang sa pitching kundi pati na rin sa hitting para sa 1-0 panalo ng Cebu kontra sa Dumaguete na nagkaloob sa kanila ng titulo sa Baseball Philippines Series IV na nagtapos kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Isang perfect bunt ang ginawa ni Orillana laban kay Dumaguete pitcher Darwin dela Calzada upang maka-iskor si Jordan Orobia sa fifth inning na siyang nagselyo ng panalo ng Cebu.

“Ang senyas sa akin ay squeeze play kaya hinanapan ko talaga ng magandang paglalagyan ang bola na hindi makaaapekto sa runner. Mabuti na lamang at nakapagdeliber ako,” wika ng 28-anyos na si Orillana na hinirang din bilang MVP ng regular season at Finals.

Ang panalo ng Cebu kahapon at ang 4-3 come-from-behind win sa Game one, ang nagwalis ng best of three series para sa kanilang ikalawang titulo sa liga matapos maghari sa Series II.

BASEBALL

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CEBU

DUMAGUETE

ISANG

JORDAN OROBIA

ORILLANA

PANALO

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

SERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with