Nakaharap ang kulang sa tauhang Coca-Cola, madaling nasilo ng nagdedepensang Sta. Lucia ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Humugot si Bitoy Omolon ng 18 sa kanyang game-high 23 puntos sa first half, habang nagbida naman sina Paolo Mendoza, Norman Gonzales at Marlou Aquino sa final canto para sa 90-69 panalo ng Realtors sa Tigers sa second round ng 2008 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang nasabing panalo ang nag-angat sa baraha ng Sta. Lucia sa 8-8 sa ilalim ng Alaska (10-6), Talk ‘N Text (9-6), San Miguel (9-7) at Rain or Shine (9-7), kasunod ang Barangay Ginebra (8-7) at Air21 (8-8) kasunod ang Purefoods (7-8), Coke (6-11) at Red Bull Barakos (5-11).
“We just got lucky that Coke had injuries with its key players but I can’t take away the credit to my players. They all played well tonight,” ani coach Boyet Fernandez.
Mula sa nasabing 22-point deficit, isang 16-7 bomba naman ang inihulog ng Coke mula kina Mark Telan at John Arigo para makalapit sa 58-71 agwat sa 7:28 ng fourth period.
Sa pamamayani nina Gonzales, Mendoza at Aquino, muling nakalayo ang Sta. Lucia sa pamamagitan ng isang 24-point advantage, 87-63, sa huling 2:30 ng labanan. (R.Cadayona)