^

PSN Palaro

Realtors 'di nahirapan sa paghuli sa Tigers

-

Nakaharap ang kulang sa tauhang Coca-Cola, madaling nasilo ng nagdedepensang Sta. Lucia ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Humugot si Bitoy Omolon ng 18 sa kanyang game-high 23 puntos sa first half, habang nagbida naman sina Paolo Mendoza, Norman Gonzales at Marlou Aquino sa final canto para sa 90-69 panalo ng Realtors sa Tigers sa second round ng 2008 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang nasabing panalo ang nag-angat sa baraha ng Sta. Lucia sa 8-8 sa ilalim ng Alaska (10-6), Talk ‘N Text (9-6), San Miguel (9-7) at Rain or Shine (9-7), kasunod ang Barangay Ginebra (8-7) at Air21 (8-8) kasunod ang Purefoods (7-8), Coke (6-11) at Red Bull Barakos (5-11).

“We just got lucky that Coke had injuries with its key players but I can’t take away the credit to my players. They all played well tonight,” ani coach Boyet Fernandez.

Mula sa nasabing 22-point deficit, isang 16-7 bomba naman ang inihulog ng Coke mula kina Mark Telan at John Arigo para makalapit sa 58-71 agwat sa 7:28 ng fourth period.

Sa pamamayani nina Gonzales, Mendoza at Aquino, muling nakalayo ang Sta. Lucia sa pamamagitan ng isang 24-point advantage, 87-63, sa huling 2:30 ng labanan. (R.Cadayona)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BITOY OMOLON

BOYET FERNANDEZ

JOHN ARIGO

MARK TELAN

MARLOU AQUINO

N TEXT

NORMAN GONZALES

PAOLO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with