Cagayan de Oro City -- Humakot pa ang Laguna ng 10 pang gold medals kabilang ang siyam mula sa swimming kaha-pon upang patuloy na panguna-han ang National Champion-ships ng 3rd Philippine Olympic Festival sa Don Gregorio Pelaez Sports Complex dito.
Nakopo ni Ariana Herranz ang ginto sa 50-meter freestyle at 200m backstroke para sa kan-yang kabuuang anim na golds habang nagdagdag naman ng apat ang kasamang si Catherine Bondad sa kanyang panalo sa 200m individual medley, 200m, 50m freestyle at 100m back para sa Bicol na Southern Tagalog Qualifying Games champion.
Nanalo ang 11-anyos na si Herranz sa 100m at 800m free, 100m back at 400m IM.
Nanalo rin si dating Palarong Pambansa multi-gold medalist Banjo Barjo sa 200m back para sa kanyang kabuuang apat na golds at nanalo rin si Joshua Casino sa 200m IM at sa 10-and-under 200m freestyle relay.
Namayagpag naman si Ira Marie Hernandez sa discus throw sa naitalang 29.63 meters para sa natatanging ginto ng Laguna sa araw ng six-day meet na inorganisa ng POF na pina-ngungunahan ni Robert Aven-tajado at Misamis Oriental Gov. Oscar Moreno.
Sa pagkamada ng Laguna ng ginto, matatag pa rin sila sa liderato sa kanilang 17-gold, five-silver at 11-bronze medal na nagpalakas ng kanilang tsansa sa overall championship mata-pos mag-third noong nakara-ang taon sa likod ng nanalong Manila at runner-up na Quezon City.
Pumukaw ng pansin sa event na ito na suportado ng Globe, PAGCOR, Philippine Sports Commission, AMA Com-puter University, Summit Natural Drinking Water, ACCEL, Negros Navigation, Creativity Lounge at The Philippine Star si Rafael Sta. Maria ng Quezon City at Fahad Al-Khaldi ng Las Piñas.
Nagposte si Sta. Maria, 11-gulang na estudyante ng La Salle-Greenhills, ng Triple A times sa 50m at 100 freestyle, 100m at 200m back, 100m breaststroke at 200m IM na pinarisan ni Al-Khaldi sa 50m, 100m at 1500m free, 100m at 200m back at 200m IM.