^

PSN Palaro

Sta. Lucia puwede pa!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Ibang-iba ang performance ng Sta. Lucia Realty sa kasalukuyang KFC-PBA Philippine Cup kumpara sa nakaraang taon. Ngayon ay tila nagbalik sa ordinaryo ang laro ng Realtors at nawalan ng apoy sa kanilang dibdib. Very inconsistent.

Kasi nga, matapos na talunin ang nangungunang Alaska Milk ay nakalasap ng back-to-back na kabiguan ang Realtors buhat sa Rain or Shine at Air 21 Express. Aba’y kung napanatili ng Realtors ang kanilang talas, baka nasa itaas na sila ng standings ngayon.

Mabuti na nga lang at napatid nila ang two-game losing skid nang maungusan nila ang Purefoods Tender Juicy Giants noong Huwebes. Kahit paano’y nasa .500 mark pa rin sila sa record na 8-8.

Malaking bagay talaga sa Realtors ang pangyayaring hindi nakapaglaro nang ilang games ang lead point guard nilang si Ryan Reyes na siyang Rookie of the Year noong nakaraang season. Si Reyes na kasi talaga ang backbone ng team. Siya ang nagdadala ng plays samantalang si Kelly Williams ang nagbibigay ng excitement.

Kung ihahambing ang kasalukuyang torneo sa Philippine Cup noong isang taon, masasabing hindi naman talaga nakakuha ng mga premyadong rookies ang Realtors. Sina Kelvin Gregorio at Chito Jaime lang ang kanilang naidagdag at hindi naman talaga mga standouts ang mga ito noong sila’y nasa amateurs pa. Kumbaga’y mga role players sila at hindi dominante.

Oo’t bahagi pa rin sila ng build-up ng team at puwedeng pundasyon ng kinabukasan. Pero hindi nga sila impact players.

Hindi ito tulad noong nakaraang taon na nakuha ng Realtors bilang No. 3 pick si Reyes at pagkatapos ay nasungkit pa buhat sa Coca-Cola si Joseph Yeo. Talagang malaking bagay sila at nakatulong nang husto kay Williams.

Pero teka, nandiyan pa rin naman sila, e. Sila pa rin ang “Top Three” ng Realtors. Mga batang players na sinasandigan ni coach Boyet Fernandez. Ang siste’y pag lumaylay nga ang kanilang performance.

Noong nakaraang Philippine Cup, medyo masama ang start ng Realtors subalit umarangkada sila sa second round ng elims para makarating kaagad sa semis. Ngayo’y tila hindi mangyayari yon.

Kung sabagay, dalawang games pa ang nalalabi sa kanilang schedule. Sakaling mapanalunan nila ang mga ito ay may kaunting puwang na bukas para makadiretso sa semis. Iyon ay depende na lang sa performance ng mga ibang teams na nasa itaas ng standings.

Kung hindi man makadiretso sa semis, tatahak na lang ng mas mahabang landas ang Realtors sa hangaring maging unang team na makakapagdepensa sa All-Filipino title buhat noong 1985 nang ito’y huling magawa ng Great Taste.

ALASKA MILK

BOYET FERNANDEZ

CHITO JAIME

GREAT TASTE

JOSEPH YEO

PHILIPPINE CUP

REALTORS

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with