^

PSN Palaro

Mayweather Jr., handang bumalik sa ring vs Pacquiao para makasama ang ama

- Abac Cordero -

LOS ANGELES -- Handang lumabas ng kanyang lungga si Floyd Mayweather Jr. para labanan si Manny Pacquiao.

Base sa pakikipag-usap sa kanyang pinsan na si Janelle Mayweather, nais din ng dating pound-for-pound king na nasa kanyang tabi ang kanyang amang si Floyd Sr. sa kanyang paglaban kay Pacquiao.

Ang mag-ama ay laging on-and-off sa loob ng walong taon, at ang muling pagsasama ay maaring maganap kung maiseselyo ang labanan ng dalawang superstars. Si Mayweather ang hari ng pound-for-pound nang magretiro ito noong nakaraang taon.

Ngayon nais niyang bumalik sa laban. At nais niyang harapin si Pacquiao.

Sinabi ng Pinoy superstar noong Linggo na nagparamdam na ang kampo ni Mayweather na kapag tinalo niya si Oscar Dela Hoya, lalabas muli si Floyd Jr. upang harapin siya.

Sinabi rin ni Pacquiao na handa siyang lumaban kina Floyd Jr. o Ricky Hatton.

“I like this fight for Rick. We will dismantle Pacquiao. Guaranteed,” aniya.

Sinabi ni Janelle na tumawag sa kanya si Floyd Jr. noong Linggo ng umaga, matapos bugbugin ni Pacquiao ang guwapong mukha ni Dela Hoya at umiskor ng nakakagulat na 8-round stoppage sa harap ng may 15,000 fans sa MGM.

Ayon pa kay Janelle nais din ni Floyd Jr., five-division champion at undefeated sa 39 laban, na makasama ang kanyang ama.

“My niece (Janelle) said my son told her he wanted to fight Pacquiao next, and that he wants me to train him for the fight,” pahayag ni Floyd Sr. kay David Mayo ng The Grand Rapids Press.

DAVID MAYO

DELA HOYA

FLOYD

FLOYD JR.

FLOYD MAYWEATHER JR.

FLOYD SR.

GRAND RAPIDS PRESS

JANELLE

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with