^

PSN Palaro

Outright semis target ng Aces

-

Bukod sa makasiguro ng quarterfinal slot, hangad din ng Alaska na makalapit sa outright semifinal berth sa KFC PBA Philippine Cup sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon.

Haharapin ng Aces ang naghihingalong Red Bull na nais manatili sa kontensiyon sa alas-5:00 ng hapong sagupaan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum.

Magsasagupa naman ang Talk N Text at Rain Or Shine sa alas-7:30 ng gabi na kapwa hangad ang ikaapat na sunod na panalo na maglalapit sa kanila sa quarterfinals.

Kahit na namamayagpag sa unahan ng team standings ang Alaska na may 10-4 win-loss slate, ayaw pa nilang isipin ang outright slot sa semifinals na ipagkakaloob sa top-two teams pagkatapos ng classification round.

Nanganganib ang Bulls sa kanilang 3-11 win-loss slate at hangad nilang makabangon sa walong sunod na kabiguan at kailangan nilang manalo sa kanilang huling apat na laro kabilang ang kanilang laban ngayon upang makaiwas sa maagang pagbabakasyon dahil ang kulelat na team ang unang masisibak. (MBalbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BUKOD

HAHARAPIN

KAHIT

MAGSASAGUPA

NANGANGANIB

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with