Nagpamalas si rookie Rudy Lingganay ng impresibong performance nang kanilang balikan ang Burger King, 78-64 sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup na nagpatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Mula sa pagiging back-up nina Marcy Marcellano at James Martinez, umangat si Lingganay sa pagkamada ng conference-high na 18-puntos, 11 nito sa first half bukod pa sa kanyang apat na rebounds at dalawang assists at dalawang steals upang makabangon ang Bacchus sa tatlong sunod na talo.
Umangat ang Warriors sa 3-5 win-loss slate habang nalasap naman ng Stunners ang kanilang ikaapat na sunod na talo sa kabuuang pitong laro.
“I always know he (Lingganay) could come up with something but then along the way maybe he’s too young and too raw. But today he proved he could deliver,” pahayag ni Bacchus coach Lawrence Chongson.
Nagdagdag si Patrick Cabahug ng 15 points, 10 rebounds, five assists at two steals at siya ang naghatid ng clutch three na pumigil sa paghahabol ng Burger King at kunin ang 72-64 kalamangan papasok sa huling 1:33 minuto ng labanan.
Ito ang ikatlong laro ni Cabahug para sa Energy mula nang i-trade siya ng Toyota Otis kapalit nina Mark Canlas at Marc Cagoco.