Queen Elizabeth ang ipapangalan sa magiging baby ni Pacquiao
Queen Elizabeth.
Ito ang gustong ipangalan ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao sa kanyang magiging pang apat na anak sa asawang si Jinkee, nakatakdang magsilang sa unang linggo ng Enero sa Los Angeles.
“Queen Elizabeth. Iyan ang gusto kong ipangalan sa darating na baby ko,” sambit ng 29-anyos na si Pacquiao sa magiging kapatid na babae nina Emmanuel, Jr., Michael Stephen at Mary Divine Princess.
Nakatakdang dumating ngayong umaga ang Team Pacquiao mula sa Los Angeles California kung saan isang engrandeng motorcade ang gagawin nito sa mga lansangan ng Maynila, Makati, Quezon City at Mandaluyong City.
Kinabukasan ng Huwebes ay uuwi naman si Pacquiao sa General Santos City kung saan isang Hero’s Welcome ang inihanda nina Mayor Pedro Acharon, Jr. at Rep. Darlene Custodio.
“Ibibigay namin sa kanya ang isang engrandeng selebrasyon sa pagbibigay niya ng karangalan sa ating bayan at sa ating bansa,” sabi ni Acharon kay Pacquiao na sasakay sa isang motorcade na lilibot sa 11 barangays sa GenSan.
Samantala, naniniwala naman si trainer Floyd Mayweather, Sr. na hindi magagawa ni Pacquiao sa anak nitong si Floyd Mayweather, Jr. ang ginawa nito kay Oscar Dela Hoya noong Linggo sa kanilang non-title welterweight fight.
“Pacquiao can’t whoop Lil’ Floyd. Anybody can whoop somebody if they are not in shape, but if Lil’ Floyd get back in the gym and get himself together, he could get that,” ani Floyd, Sr. “You gotta remember, Floyd fought Oscar at 154 pounds; Manny fought him dehydrated. Oscar was dehydrated man and hadn’t made that weight for 12 years man and here he is weighing less than the little man.”
Kumpiyansa rin si Floyd, Sr. na kayang talunin ng kanyang alagang si Ricky Hatton si Pacquiao.
“Pacquiao is a winnable fight for Lil’ Floyd. Believe me when I tell you this though, Manny is fast on his feet moving around, but believe me when I tell you this, Ricky move around too. And Ricky is more aggressive than Pacquiao is. That’s more of a reasonable fight to me,” ani Floyd, Sr. “I would like to get one or two more fights with Hatton before we get into a fight with Pacman just so I could get a better feel for him, but if we had to fight him right now, we will do it and we will win.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending