^

PSN Palaro

Saludo kami sa iyo Pacman!

SPORTS - Dina Marie Villena -

Grabe ha!

Hindi ako makapaniwalang susuko si Oscar Dela Hoya sa laban na iyon nila ni Manny Pacquiao, kung ang pagbaba-sehan ay ang mga reports ng mga iba’t ibang writers bago man naganap ang tinaguriang ‘Dream Match” ng dalawa.

Dream match ni Dela Hoya na nauwi sa bangungot tulad ng nais ipabatid ni American trainer Freddie Roach.

Ang guwapong mukha ni Dela Hoya ay tila tinapalan ng kung anu-anong sakit at bukol sa mukha hindi pa man umaabot ng 12 rounds ang kanilang laban.

Sa weigh-in ng dalawa nagwika si Bob Arum ng Top Rank na hindi niya gusto ang pagkakakita niya kay Dela Hoya matapos ang pagtimbang.

Mukha daw itong tuyot.

Totoo ka, tuyot nga dahil sa mas mababang timbang na nawala sa kanya.

At pati na rin ang sinasabing mismatch ay nagkatoo din. Yun nga lang mismatch si Dela Hoya kay Pacquiao kasi mas bata, mas mas mabilis at mas malakas pa si Pacman kaysa sa tinaguriang ‘Golden Boy’.

At sa panalo ni Pacman, nagbunyi na naman ang buong Pilipinas, lalung-lalo na si Pacquiao dahil hindi lang milyun ang kanyang kikitain kundi bilyon na!

Sa iyo Manny, saludo kami!

Congrats, Happy Birthday at Merry Christmas!

***

May nais lang akong malaman tungkol dito sa isang sports officials ng isang NSA na hindi ko muna babanggitin kung sino at saang asosasyon.

Kasi, may gagawing commercial ang anak ko na nagta-trabaho sa production line at nangailangan ng athlete at coach para sa commercial na ang product ay nag-iisponsor din sa asosasyon na ito.

To make it short, hinihingan ng sports official ang PA ng anak ko ng association fee na P150,000 para dito at siyempre bukod pa siyempre sa talent fee ng mga gymnasts at coach na kukunin.

Ayon pa sa PA ng anak ko, negotiable naman daw yun pwedeng gawing P50,000 na lang.

At nang magpa-imbestiga ako, SOP daw yun.

No question kung SOP talaga ng asosasyon yun. Pero bakit negotiable? Di ba dapat fix ang amount?

At para saan?

Hala may naaamoy akong kakaiba ha!

Nagtatanong lang po!

***

Magdedebut ang aking bunso na si Lorraine Jane sa Dec. 13, parang kailan lang, haaay!

Anyway, happy 18th birthday my dear Lorraine!

Happy birthday din kina Kim Emmanuel Rodriguez (Dec.9) Pareng Nat Canson at Pareng Knet Isidro (Dec. 12), Jun Limpot, Beth Celis at Tim Cone (Dec. 14), Alyanna Pableo (Dec. 14) Greg Esplana (Dec. 15), at belated kina Baby Nicolas, Vivian Villareal, Myrna Serdeña, Ronnie Olpindo at Connie Pintolo (Dec.8).

ALYANNA PABLEO

BABY NICOLAS

BETH CELIS

BOB ARUM

CONNIE PINTOLO

DEC

DELA HOYA

DREAM MATCH

FREDDIE ROACH

GOLDEN BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with