Talk N Text inspirado sa panalo ni Pacman

Mula sa Las Vegas, Nevada hanggang sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City ay damang-dama ang panalo ni Manny Pacquiao kay Oscar Dela Hoya.

Nakahugot ng inspirasyon mula sa panalo ng mas maliit na si Pacquiao sa matangkad na si Dela Hoya, tinalo ng Talk ‘N Text ang Coca-Cola, 90-82, para solohin ang ikatlong puwesto sa second round ng 2008 PBA Philippine Cup kahapon sa Big Dome.

“We got inspiration from the fight,” ani coach Chot Reyes sa panalo ng 5-foot-6 na si Pacquiao sa 5’10 1/2 na si Dela Hoya. “We’re the shorter team but we used our speed to off-set their height advantage. I told my players, ‘Let’s take Pacquiao’s win as inspiration,’ and that’s what we did. Coke is just a really big team for us.”

Sa likod ng kanilang three-game winning streak, itinaas ng Tropang Texters ang kanilang rekord sa 8-6 sa ilalim ng Alaska (10-4), San Miguel (9-6) at Rain or Shine (9-6) habang bumagsak ang Tigers sa 5-10. (R.Cadayona)

Show comments