SFAC, PCCr wagi

Kapwa dinispatsa ng host St. Francis of Assisi College at Philipine College of Criminology ang kanilang mga kalaban sa men’s at juniors division ng 1st Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA).

Ipinagpatuloy ng nangungunang St. Francis ang kanilang pananalasa sa apat na sunod makaraang iwanan ang wala pang panalong St. Jude College, 90-67.

 Nauna rito, humakot ng 16 puntos si junior Doves Kervie Lucente at nag-ambag naman ng 14 puntos si Jordan Cabactulan upang malusutan ang NCBA, 86-83.

Nagdebut din ang PCCr junior squad sa pamamagitan ng 92-62 panalo laban sa St. Jude habang hiniya ng kanilang senior counterpart ang Metro Manila Colleges, 95-89 sa ligang ito na hatid ng Mang Inasal, Air21, Besuto prawn crackers, Villa De Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basketbolista Magazine at game-face.ph.

Sa naunang laro, nanatiling nakadikit ang De Ocampo Memorial College nang payukurin nila ang NCBA, 80-71.

Show comments