Batangas, Dumaguete humatak ng rubber-match
Humatak ng magkaibang panalo ang Batangas at Dumaguete upang maka-puwersa ng pares na sudden-death duels kontra sa Cebu at Forward Taguig, ayon sa pagkakasunod para sa sa puwesto sa championship round ng Baseball Philippines’ Series IV at the Rizal Baseball Stadium kahapon.
Nagpakawala ng dalawang hits at run sa anim na kumpletong inning ang batang si Vladimir Eguia na sinuportahan ng solidong depensa ng mga kakamping Bulls para sa 9-2 panalo laban sa Cebu Dolphins at maipuwersa ang rubber match para sa unang final seat.
“Gaya ng sinabi ko basta magandang pagtutulungan ng mga players maganda ang nangyayari sa team. Ngayong nanalo kami, kumpiyansa akong kaya naming makuha ang panalo,” wika ni Batangas team manager Randy Dizer.
Ginapi naman ng Unibikers ang Patriots, 7-1 upang makapuwersa din ng do-or-die sa event na ito na hatid ng Mizuno, Gatorade, Purefoods TJ Hotdogs, Welcoat Paints, Industrial Enterprises, Inc., Harbour Centre, The Heritage Park at Agility Logistics kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PABA, Sports Radio at Makisig Sports bilang partners.
- Latest
- Trending