Team World kampeon

Umabot sa tuktok ang Team Quezon City Philippines ngunit hindi nakayanan nang sumablay sa tatlong pagkakataon na nagbigay sa Team World na makalusot, 9-8 at maghari sa Q.C. Invasion: Quezon City Philippines vs the World Grand VILLARDS Showdown noong Huwebes ng gabi sa dinumog na activity center ng Trinoma Mall sa Quezon City.

Matapos maghabol sa unang dalawang araw, tuluyang sumuko ang mga Pinoy at bumigay sa mga dayuhan sa pagkopo ng korona sa event na ito na ipiniprisinta ng Senator Manny Villar’s VILLARDS: Tulong sa Pag-sulong ng Philippine sports at Quezon City government na pinamumunuan ni Mayor Sonny Belmonte at Councilor Ariel Inton.

Nakopo ng Team world ang premyong $40,000 sa event na ito na hatid ng Camella Communities kasa-ma ang Solar Sports, RPN-9, The Philippine Star at Business Mirror bilang media partners.

Show comments