Inilista ng host St. Francis of Assisi College ang kanilang ikatlong sunod na panalo, ga-yundin ang Philippine College of Criminology at Metro Manila Colleges sa pagpapatuloy ng 1st Universities and Colleges Athletic Association (UCLAA) noong Miyerkules sa Mun-tinlupa Sports Complex.
Pinayuko ng SFAC ang De Ocampo Memorial College, 64-58, na binanderahan nina Raymond Ilagan at Rex Ley-nes ang pag-atake ng Doves sa kanilang 20 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nalusutan naman ng MMC ang Las Piñas College, 68-63 sa pinagsamang 27 puntos nina Jericho Puno at Scott Benito habang ginapi naman ng PCCr ang Colegio De Sta. Monica, 87-78.
Sa iba pang laro, umusad sa solong ikatlong puwesto ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa nang igupo ang St. Jude, 85-65.
Nasungkit naman ng National College of Business and Arts ang kanilang unang panalo sa tatlong asignatura makaraang hiyain ang Uni-versity of the Philippines-Los Baños, 105-51 sa event na ito na suportado ng Mang Inasal, Air 21, Besuto Prawn Crack-ers, Villa De Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basket-bolista Magazine at www.gameface.ph.