^

PSN Palaro

Team RP tumabla sa Team World

-

Sumandal ang Team Quezon City-Philippines sa maasahang kamay nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante, na parehong nagtala ng back-to-back victories, upang itabla ang kanilang laban kontra sa Team World sa 6-all sa pagtatapos ng regulation matches ng Q.C. Inva-sion: Quezon City-Philippines vs the World Grand VILLARDS Showdown kahapon sa Trinoma Mall sa Quezon City.

Muling bumawi si Reyes sa kanyang pangit na simula upang durugin si Rodney Morris ng United States, 7-4, sa singles match upang i-level ang mga Pinoy sa mga dayuhan sa unang pagkakataon sapul nang magsimula ang three day event na ito na hatid ng Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at ng Quezon City government.

Bago ito, gumamit si Bustamante ng mga kahanga-hangang tira para sa makapigil-hiningang 7-6 panalo laban kay Raj Hundal ng India.

Nagsimula ang araw na hawak ng Team World ang 5-4 advantage, at lu-maki ang kanilang kala-mangan sa dalawang puntos nang talunin ni Thorsten Hohmann si Warren Kiamco, 7-4, sa singles match.

Dahil walang team ang nakaabot ng siyam na panalo, kinailangan ng extra matches upang malaman kung sino ang mag-uuwi ng $40,000 top purse na nakataya sa event na ito na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at hatid ng Camella Communities katulong ang Solar Sports, RPN-9, Philippine Star at Business Mirror bilang media partners.

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUSINESS MIRROR

BUSTAMANTE

CAMELLA COMMUNITIES

PHILIPPINE SPORTS

PHILIPPINE STAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY-PHILIPPINES

RAJ HUNDAL

TEAM WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with