^

PSN Palaro

3 Pinoy Jr. players rumatsada agad

-

RENO, NEVADA --Hindi inalintana ang lamig  ng panahon, parang sumabog na bulkan ang tatlong Pinoy junior pool players sa kanilang kampanya sa pagbubukas ng 2008 World Junior Pool Championship dito sa Sands Regency Hotel noong Lunes (Martes sa Manila).

Nagtala ang 14-year-old na si Jonas Magpantay ng makapigil-hiningang 9-8 tagumpay sa reigning US Junior champion na si Austin Murphy ng Amerika sa opening round ng boy’s 19 and under.

Susunod na makakalaban ni Magpantay si Chieh Anching ng Chinese Taipei, na nagtala din ng katulad na 9-8 win kay Greg Quinn ng Canada.

Samantala, dumaan naman sa butas ng karayom si reigning national junior champion Jerico Banares bago nailusot ang 9-7, panalo laban kay Russian Roman Pruchai, 9-7.

Makakaharap naman ni Banares si Nick Pera ng New Zealand, na nagtumbok ng 9-6 win kay Aloysius Yapp ng Singapore.

Hindi din nagpahuli si two time lady champion Zemonette Oryan tungo sa perfect start ng team Philippines sa pagbasura kay Michelle Yap ng Singapore, 7-3 at maitakda ang pakikipagtipan kay Sabrina Naverschnig ng Austria, na kumamada ng 7-4 panalo kay Konischi Samia ng Japan.

ALOYSIUS YAPP

AUSTIN MURPHY

CHIEH ANCHING

CHINESE TAIPEI

GREG QUINN

JERICO BANARES

JONAS MAGPANTAY

KONISCHI SAMIA

MICHELLE YAP

NEW ZEALAND

NICK PERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with