Ginebra, Rain or Shine kakalas
May malaki mang butas sa line-up ng Barangay Ginebra, hindi ito hadlang para sa Gin Kings.
Hangad ng Ginebra ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipag-harap sa kulelat na Red Bull sa pagpapatuloy ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ngayon.
Nais namang kumalas ng defending champion Sta. Lucia Realty at ng Rain or Shine sa three-way tie sa ikalawang laro, alas-7:30 ng gabi.
Bagamat maraming may injury sa Ginebra na dina makakaasa kay Mark Caguioa sa kumperensiyang ito matapos maoperahan sa tuhod, pinapaboran pa ring manalo ang Gin King laban sa Red Bull na manggagaling sa anim na sunod na panalo.
Ang Gin Kings ay may 6-6 kartada habang ang Red Bull ay may 3-9 record sa ilalim ng team standings.
Pareho namang may 7-6 record ang Sta. Lucia at Rain or Shine kung saan katabla nila ang walang larong Talk N Text at ang mananalo sa labanang ito ang sosolo ng ikatlong puwesto sa likod ng nangungunang Alaska na may 9-4 kartada at pumapangalawang San Miguel na may 8-6 record.
Tinalo ng Ginebra ang Sta. Lucia, 84-77. Coca-Cola at Purefoods, 90-80 at hangad nilang makabawi sa 94-104 pagkatalo sa kanilang unang pagkikita noong October 19.
Galing naman ang Realtors sa 92-80 panalo laban sa Aces habang nanaig naman ang Elasto Painters sa Bulls, 100-92.
Nanalo ang Sta. Lucia, 88-85 sa kanilang unang pagkikita noong Nov. 14. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending