^

PSN Palaro

Pacquiao, namudmod ng P3.6M

-

LOS ANGELES — Namigay si Manny Pacquiao ng kabuuang $74,000 o tumataginting na P3.6 milyon nitong Linggo sa kanyang mga kaibigan na nakapasa sa weight reduction challenge na mismong ang boxing superstar ang naghamon.

Hinamon ni Pacquiao ang kanyang mga kaibigang lalaki dito sa LA. Kabilang ang mga miyembro ng kanyang koponan na makapagbawas ng 10 pounds sa loob lamang ng dalawang linggo. At kung magagawa nila ito, ang bawat isa sa kanila ay mananalo ng tig-$2,000 at ang sinumang makapagbawas ng 15 pounds ang mabibigyan ng karagdagang $1,000.

At ginawa nga ng Linggo (kahapon sa Manila) ang opisyal weigh-in.

At mula sa 29 na sumubok sa nasabing hamon, tanging lima lamang ang hindi nakapasa sa itinakdang weight reduction. Ang 16 dito ay nabawasan ng 15 pounds o higit pa habang ang iba naging masaya at excited sa pagbabawas ng 10 libras at pagbulsa ng $2,000.

Ang conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza ang tinanghal na ‘the biggest loser’ matapos na mabawasan ng 20 libras mula sa 184 naging 164 na lamang at nakakuha ng $3,000. At dahil sa kanyang pagsisikap binigyan pa siya ni Pacquiao ng karagdagang $10,000.

“Congratulations. You get an extra $10,000,” ani Pacquiao bago itaas ang mga kamay ni Ariza.

“It’s one thing asking fighters to lose weight and telling him how to do it, but it’s another thing doing it yourself,” wika naman ni Ariza ng makapanayam ito ng HBO crew na siyang kumukuha sa bawat galaw ni Pacquiao.

Nabawasan naman si Alex Oreto ng LA ng 19 pounds (232 to 219), ha bang 17 pounds (226 to 209) naman ang nabawas kay Buboy Fernandez, ang kanyang trainer at siya rin ang nakatanggap ng pinakamaraming palakpak mula sa mga sumaksi sa weigh-in sa apartment ni Pacquiao. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

ALEX ARIZA

ALEX ORETO

ARIZA

BUBOY FERNANDEZ

HINAMON

LINGGO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with