Pacquiao-Dela Hoya patungo na sa Las Vegas
LOS ANGELES — Simula na ang fight week nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya sa kanilang pagtungo sa Las Vegas ngayon, limang araw bago ang kanilang ‘Dream Match’ sa MGM Grand.
Nagdaos ng mabilisang workout si Pacquiao sa Wild Card Gym ngayong umaga at makikipag-ispar ng apat na rounds bago ito magtungo sa Sin City ngayong hapon.
Pararangalan naman si Dela Hoya sa pagbubukas ng 14 feet bronze statue sa Staples Center ngayong alas-2 ng hapon bago sumakay sa pribadong eroplano patungong Vegas.
Pangungunahan ni Pacquiao ang mahabang convoy ng SUV patungong Vegas habang siya at ang asawang si Jinkee naman ay sakay ng kanyang Lincoln Navigator. May kasama din silang custom bus para sa ilang kapamilya at kaibigan.
Pagdating ng Vegas sa gabi, tutuloy si Pacquiao sa Mandalay Bay habang si Dela Hoya naman sa MGM, bago pormal na tanggapin sa kanikanilang hotel sa Martes.
Ito ang unang pagkakataon na si Pacquiao at ang kalaban ay magkahiwalay ng tutuluyan.
Ang final press conference ay nakatakda sa Miyerkules sa Hollywood Theather sa Biyernes ang official weigh-in ganap na alas-2 ng hapon sa MGM Grand Arena.
Relaks na relaks ang pakiramdam ni Pacquiao at nais niyang gayundin ang mga nakapaligid sa kanya.
“Relax lang kayo (Stay relaxed). Tingnan niyo ako, relax lang (Look at me, I’m so relaxed),” wika niya sa loob ng abalang La Pallazzo apartment noong Linggo ng hapon.
“Masyado yata kayong kinakabahan, eh (You guys seem to be nervous),” anang boksingerong nahaharap sa pinakamalaking laban sa kanyang career.
- Latest
- Trending