^

PSN Palaro

Bulls vs Dolphins sa semis

-

Impresibong laro ang ipinamalas ng Series III champion Batangas upang surpresahin ang Muntinlupa, 3-0, kahapon para makapasok sa semifinals ng Baseball Philippines’ Series IV sa Rizal Baseball Stadium.

Makaraang magtapos bilang fifth place sa classification round, kumuha ng lakas ang Bulls kay hurler Vladimir Eguia at short-stop Chris Canlas at catcher Junifer Pinero sa plate upang igupo ang Mariners.

Isinaayos ng Bulls ang laban kontra sa Cebu Dolphins para sa labanan ng mga ‘past champions’ sa semis sa susunod na linggo.

Nakuha ng Series II champion Cebu ang top seeding sa kanilang tinapos na 8-2 slate.

Pinigilan ni Eguia ang limang hitter sa siyam na innings para sa kanyang unang shutout win sapul nang magtala ito ng no-hit, shutout job laban sa Dumaguete Unibikers sa Game 1 ng Series’ III finals.

Pumukol si Canlas ng single para sa isang run sa right field sa ilalim ng unang inning para sa 1-0 kalamangan ng Batangas. Walang nakaiskor sa sumunod na apat na frames bago nakapukol ulit si Canlas para sa 2-0 kalamangan ng Bulls sa sixth kasunod nito ay ang run ni Pinero para sa kanilang tagumpay.

Hindi naman pinaporma ni Eguia ang siyam sa sumunod na 11 batters na hindi niya pinahintulutang makahit upang masiguro ang panalo.

“This is definitely one of our best games after so many struggles,” ani Batangas team manager Randy Dizer.

BASEBALL PHILIPPINES

BATANGAS

CANLAS

CEBU DOLPHINS

CHRIS CANLAS

DUMAGUETE UNIBIKERS

EGUIA

JUNIFER PINERO

PARA

RANDY DIZER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with