^

PSN Palaro

Rubillar bigo kay Sosa

-

Ibilang na si Juanito Rubillar sa mga Filipino challengers na tinalo ni Mexican world light flyweight champion Edgar Sosa.

Matagumpay na naidepensa ni Sosa ang kanyang suot na World Boxing Council (WBC) light flyweight crown matapos umiskor ng isang  seventh-round stoppage kontra kay Rubillar kahapon sa Arena Mexico sa Mexico City.

Ito ang pang pitong sunod na title defense ng 29-anyos na si Sosa para itaas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 33-5-0 kasama ang 18 KOs, habang nagwakas naman ang itinalang seven-fight winning streak ng 31-anyos na si Rubillar para sa kanyang 46-11-7 (22 KOs).

Bago si Rubillar, tinalo na ni Sosa si Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria para sa bakanteng WBC light flyweight title noong Abril 14 ng 2007 at si Sonny Boy Jaro via unanimous decision noong Setyembre 27 sa Arena Mexico.

Isang left hook ang naikonekta ni Sosa sa kanang tagiliran ni Rubillar na nagpatulala rito kasunod ang magkakasunod na suntok ng Mexican champion na nagtulak kay referee Harol Laurent para itigil na ang laban sa 2:54 ng round seven.

Sa ginamit na open scoring ng WBC, angat si Sosa kay Rubillar sa puntos matapos ang four rounds sa bitbit na 40-36, 38-37 at 39-36.

Ito ang ikatlong pagkakataon na natalo si Rubillar, tubong Mati, Davao at ang kasalukuyang  naghahari sa light flyweight division ng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF), sa isang world title fight. (RC)

ARENA MEXICO

EDGAR SOSA

HAROL LAURENT

HAWAIIAN PUNCH

JUANITO RUBILLAR

MEXICO CITY

RUBILLAR

SOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with