^

PSN Palaro

Walang epekto ang puyat kay Buenavista

-

Sa gitna ng pagkahilo bunga ng kakulangan ng sapat na tulog, nagawa pa rin ni Eduardo Buenavista na maitawid ang kanyang mga paa sa finish line upang tanghaling kampeon sa 32nd MILO National Marathon kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Naglista ang 4-foot-11 na si Buenavista ng tiyempong 2:23:37 para angkinin ang koronang isinuot ni Cresencio Sabal noong nakaraang taon sa nasabing 42.195-kilometer race.

 Sumegunda sa tubong Santo Nino, South Cotabato sina Sabal (2:26:36), Allan Ballester (2:27:45), Eric Panique (2:32:31), Rogelio Sarmiento (2:34:21), Alquin Bolivar (2:36:42), Joselito Dugos (2:37:16), Rene Desuyo (2:37:39), Darwin Lim (2:38:03) at Crifrankreadel Indapa (2:38:19).

“Nun’g gabi ng Sabado uminom ako ng dalawang Pharmaton vitamins para malakas ako kinaumagahan ng Linggo,” ani Buenavista. “Siguro hindi lang ako sanay na maraming iniinom na kung anu-ano, kaya hindi ako nakatulog at nahilo ako during the race.”

Bagamat nahihilo at bumibigat ang katawan, sapat na ang distansyang inilamang ni Buenavista, naghari sa MILO National Finals noong 2002 at sa Metro Manila eliminations noong 2006 at 2007, kina Sabal at Ballester para ibulsa ang premyong P75,000.

“After ten kilometers, nagbreakaway na talaga ako sa kanila. Suwerte naman at wala nang nakadikit pa sa akin going into the last 20 kilometers,” sabi ni Buenavista, tumapos bilang 67th-placer sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.

Hindi lamang pinatunayan ng 30-anyos na si Buenavista, isang double-gold medalists sa Southeast Asian Games, na kaya niyang dalhin ang kanyang sarili sa gitna ng karamdaman.

“Gusto ko ring ipakita na kaya ko pang magchampion dito sa MILO National Finals kahit na marami nang magagaling na runners,” ani Buenavista na may best time na 2:18:44. “Actually, hindi talaga ako satisfied sa itinakbo ko kasi nga nahilo ako. Pero okay na rin, at least ako ang nanalo.”

Ang 28-anyos namang si Mercedita Manipol-Fetalvero ang kinilalang bagong reyna nang magposte ng bilis na 2:58:38 para talunin sina Maricel Maquilan (3:06:08), Ma. Estela Diaz (3:11:15), Mona Liza Ambasa (3:12:35), Ellen Tolentino (3:16:35), Cerila Cortel (3:17:19), Janeth Lopena (3:28:28), Madelyn Carter (3:31:30), Geraldine Sealza (3:31:44) at Helen Tacling (3:31:55).

Tatayo lamang sanang ‘alalay’ ni 2007 National champions Jho-An Banayag ang dating SEA Games long distance queen na si Manipol-Fetalvero.

“Sabay kami ni Jho-An pero hindi niya akalain na sasakit ‘yung paa niya. Plano ko lang talagang sabayan siya para ma-improve niya ‘yung time niya. Pero nu’ng sumakit ‘yung paa niya, sabi niya mauna na ako kasi nandoon na rin lang ako eh,” wika ng tubong San Agustin, Romblon.

Kagaya ni Buenavista, paghahandaan rin si Manipol-Fetalvero ang 25th Southeast Asian Games sa Laos sa Disyembre ng 2009. (russell cadayona)

AKO

ALLAN BALLESTER

ALQUIN BOLIVAR

BUENAVISTA

CERILA CORTEL

CRESENCIO SABAL

CRIFRANKREADEL INDAPA

DARWIN LIM

NATIONAL FINALS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with