Nakamit na ng San Sebastian College ang pinaka-aasam-asam na Shakey’s V-League volley championship, matapos makabawi sa first-set at iginupo nila ang University of Santo Tomas sa makapigil hiningang fourth set duel, 16-25, 25-21, 25-16, 25-21 para makopo ang second conference crown via sweep sa harap ng 3,000 crowd sa The Arena sa San Juan kagabi.
Kinuha ng Lady Stags ang lima sa huling anim na puntos na bumasag ng huling pagtatabla ng iskor sa 20-all para kunin ang ikaapat na set, ang match at ang championship na naging mailap sa four-time NCAA winners sa huling limang taon.
Nagtala si guest player Suzanne Roces ng 19 kills, bukod pa sa kanyang dalawang blocks at service ace na tumapos sa isang oras at 36-minutong sagupaan. Tumapos ito bilang top scorer sa kanyang 22-point output upang pamunuan ang Lady Stags sa panalo laban sa team na inihatid niya sa three championships sa ligang sponsored ng Shakey’s Pizza.
Sa kanyang impresibong performance, ang UE standout, na umiskor din ng 13 hits sa 25-21, 25-19, 26-24 panalo ng SSC sa series’ opener noong Biyernes, ang napiling Finals MVP.
“I’m speechless,” wika ng 23-gulang na si Roces sa harap ng 3,300. “This is my first time to win an MVP. I’m so happy and I share the award with coach Roger (Gorayeb) and my teammates for their trust.”
Malaking papel din ang ginampanan ni Analyn Joy Benito sa kanyang 21 points sa attacks.
“I’m very happy. At least in my fourth try, I finally win it,” ani Gorayeb, nanalo ng 20 titles sa NCAA.
Nauna rito, iginupo ng La Salle ang Adamson,19-25, 25-18, 25-15, 25-20 para makopo ang konsolasyong third place trophy sa ligang inorganisa ng Sports Vision.