^

PSN Palaro

Titulo aagawin ni Rubillar kay Sosa

-

Susubukan ni Filipino challenger Juanito Rubillar na gawin ang hindi nagawa nina Brian Viloria, at Sonny Boy Jaro - ang talunin si Mexican Edgar Sosa at agawin ang suot nitong world light flyweight crown.

Nakatakdang hamunin ngayon ni Rubillar si Sosa para sa tangan nitong World Boxing Council (WBC) light flyweight belt sa Arena Mexico sa Mexico City.

Iaakyat ng 31-anyos na si Rubillar ang kanyang 46-10-7 win-loss-draw ring record kasama ang 22 KOs kumpara sa taglay na 33-5-0 (17 KOs) card ng 29-anyos na si Sosa.

Ito ang pang pitong sunod na pagkakataon na idedepensa ni Sosa ang kanyang WBC light flyweight title matapos talunin si Viloria noong Abril 14 ng 2007 para sa nabakanteng korona ni Omar Nino.

Si Nino ang pinakahuling pinayukod ni Rubillar via split decision noong Hunyo 14 sa Palacio de Deporte, Mexico.

Ang naturang tagumpay ang siyang pang pitong dikit na ngayon ni Rubillar, tubong Mati, Davao na nagbigay sa kanya ng pagkakatong maging mandatory challenger ni Sosa.

Itinala ni Sosa ang kanyang ikaanim na sunod na panalo matapos umiskor ng isang unanimous decision kay Jaro noong Setyembre 27 sa Arena Mexico.

Si Jaro ang kasalukuyang light flyweight titlist ng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF). (Russell Cadayona)

vuukle comment

ARENA MEXICO

MEXICAN EDGAR SOSA

MEXICO CITY

OMAR NINO

ORIENTAL PACIFIC BOXING FEDERATION

RUBILLAR

RUSSELL CADAYONA

SI JARO

SI NINO

SOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with