^

PSN Palaro

Titulo tangka ng San Sebastian

-

Sisikapin ng San Sebastian na maisakatuparan ang anumang kabiguang tinamo nila noong nakaraan taon, ang tapusin ang University of Santo Tomas sa kanilang best-of-three showdown para sa Shakey’s V-League second conference crown sa The Arena sa San Juan City.

Humatak ng sorpresang straight na tagumpay ang Lady Stags, 25-21, 25-19, 26-24 kontra sa Tigresses sa kanilang opener para sa titulo ng liga noong Biyernes at matindi ang mithiing tapusin ang serye ngayong alas-4 ng hapon upang mabura ang masamang alaala noong nakaraang taon.

Nakuha din ng SSC ang 1-0 abante noong nakaraang taon ngunit natalo sa sumunod na dalawang laban na nagbigay sa UST na maagaw ang korona sa ikatlong kampeonato sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

At upang maisakatuparan ang tagumpay, kailangang magsagawa ng power game ang Lady Stags sa pagtutulungan nina MVP Laurence Ann Latigay, guest player Suzanne Roces, Analyn Joy Benito at Rysabelle Devanadera habang inaasahang itotodo na ng Tigresses ang lahat ng kanilang kakayahan upang makapuwersa ng rubber match at ulitin ang kasaysayan.

Samantala, tangka naman ng Adamson, first conference champion, na makaulit sa La Salle sa kanilang sariling serye para sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

ADAMSON

ANALYN JOY BENITO

BIYERNES

LA SALLE

LADY STAGS

LAURENCE ANN LATIGAY

RYSABELLE DEVANADERA

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SUZANNE ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with