^

PSN Palaro

Labanan sa V-league title simula na

-

Sisimulan na ng UST at San Sebastian na buksan ang kanilang best-of-three showdown para sa Shakey’s V-League second conference crown ngayon kung saan tangka ng Tigresses na ibalik ang kanilang winning tradition habang nagtatangka naman ang Lady Stags na makaiskor ng titulo.

Tinalo ng Tigresses ang Lady Stags sa five-setter sa elims nang pukpukin nila ang top blocker ng SSC na si Jinni Mondejar para sa panalo. Ngunit nasa pamatay na porma ang Recoletos-based squad sa kanilang pang-alas-4 ng hapong engkuwentro at kumpiyansa na masusundan ang pagwawalis nila sa La Saller sa kanilang Final Four duel.

Sa kabaligtaran, kailangang ma-sweep ng UST ang huling dalawang laro upang igupo ang Adamson sa kanilang sariling semis playoff upang makarating sa finals sa ikaanim na pagkakataon. Ang Tigresses ay nakapag-uwi na ng tatlong titulo ngunit hindi sumali sa first conference nitong taon upang buuin ang koponan nang magsipagtapos na ang kanilang mga pangunahing players.

Maghaharap naman ang La Salle at Adamson para sa ikatlong puwestong karangalan sa magkahiwalay na best-of-three series simula alas-2 ng hapon.

Samantala, mamamahagi ng individual awards ang nagtataguyod na Shakey’s Pizza at organizing Sports Vision sa mga top performers ng liga sa ganap na alas-3:45 ng hapon.

vuukle comment

ADAMSON

ANG TIGRESSES

FINAL FOUR

JINNI MONDEJAR

LA SALLE

LA SALLER

LADY STAGS

MAGHAHARAP

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with