Sinabi kahapon ni Senador Loren Legarda na ang pambansang programa ng Pilipinas – ang grassroots at competitive levels – ay hindi dapat na masakripisyo sa harap ng kasalukuyang paghina ng ekonomiya.
Iginiit ng chair ng Senate Economic Affairs Committee na si Loren na ang sports ay tumutulong sa pagkakaroon ng malakas at maaasahang mga mamamayan, kung kaya dapat na suportahan ng pamahalaan.
”Sports can also serve as a source of pride for Filipinos as in the case of boxing icon Manny Pacquiao who will once again try to raise the Philippine tricolor when he fights anew in December 6,” ani Loren.
Inaamin ni Loren na maliit ang natatanggap na budgetary allocation ng sports kada taon, at dagdag pa niya na yaong nasa executive department para pangasiwaan ang sports ay nararapat na magkaroon ng feasible at workable development programs para sa pondo.
“Additional funding for sports is dependent on the persuasiveness of our sports officials in justifying before Congress their planned expenditures for the year before Congress,” aniya.
Sa P1.227 trillion 2008 national budget, ang budget na laan sa Philippine Sports Commission (PSC) ay tumaas ng 47 percent sa P220 million mula P140 million noong 2007, ngunit tingin ni Loren sa alokasyon ay masyado pang napakaliit.
“We cannot expect our athletes to shine in the world stage with the little support they get. Our quest for an Olympic gold will remain a pipe dream if sports does not get the support it badly needs,” aniya.
Ani Loren ang bawat koponan sa Asia’s first play-for-pay league, ang Philippine Basketball Association (PBA), ay maaaring may mas malaki pang budget kaysa sa tinatanggap ng PSC.
Binanggit din ni Loren ang ulat sa Houston Chronicle na $5.5 million ang taunang sahod ng soccer star na si David Beckham, na aabot sa P274.9 million sa kasalukuyang palitan na $1-P49.9 dollar-peso, ay mas malaki pa sa budget na inilalaan sa amateur Philippine sports.