^

PSN Palaro

Mga paborito wagi

-

Nagtala ng magaan na panalo ang mga paboritong sina Bambi Zoleta, Michelle Pang at Czarina Mae Arevalo upang palakasin ang kanilang kampanya sa 2008 Philippine Columbian Association Open sa PCA shell courts sa Plaza Dilao sa Paco, Manila.

Pinayuko ng top seed na si Zoleta si Alyssa Calejo, 6-2, 6-2, ginapi ni second pick Pang si qualifier Macy Solon, 6-0, 6-2, habang pinayuko ni Arevalo si Nikki de Dios, 6-0, 6-1, para makausad sa second round ng event na ito na ipiniprisinta ng Cebuana Lhuillier at suportado ng The STAR.

Nagwagi din sina No. 4 Aileen Rogan, No. 7 Trudy Amoranto at No. 8 Jessica Agra para maka-usad sa susunod na round kasama ang mga anak ni dating PBA star Alvin Patrimonio na sina Anna Christine at Anna Clarice.

Tinalo ni Rogan si Patricia Orteza, 6-0, 6-1, ginapi ni Amoranto si Akiko de Guzman, 6-3, 6-2, at nanaig si Agra via default kay Regina Santiago.

Nanaig naman si Anna Clarice Patrimonio, na nagdiwang ng kanyang ika-15th kaarawan kahapon, kay Enah Baba, 6-1, 6-3, habang ang nakakatandang kapatid na si Anna Christine, na magdiriwang naman ng kanyang ika-17th kaarawan sa Dec. 29, ay namayani kay Shirley Valler, 6-0, 6-1.

vuukle comment

AILEEN ROGAN

ALVIN PATRIMONIO

ALYSSA CALEJO

ANNA CHRISTINE

ANNA CLARICE

ANNA CLARICE PATRIMONIO

BAMBI ZOLETA

CEBUANA LHUILLIER

CZARINA MAE AREVALO

ENAH BABA

JESSICA AGRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with